NAKATAAS na ang hightened alert status sa lahat ng pantalan at ferry terminals sa buong bansa bilang bahagi ng paghihigpit ng Philippine Coast Guard (PCG) sa seguridad at kaligtasan ng mga mananakay ngayong darating na Semana Santa o Holy Week.
Kasabay ng send off ceremony ng mga barko at Deployable Redponse Groups (DRGs) sa PCG headquarters, inatasan ang lahat ng coast guard district sa buong bansa na maging alertosa pag-iinspeksyon sa mga pasahero at bagahe upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng paglalakbay .
May itatalaga ring mga K9 teams, special operations forces, harbor patrols at ship inspectors at medical team sa mga pantalan na handang umasiste sa mga emergency cases.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, maging ang mga beach ay mahigpit na imo-monitor ng mga coastal securit patrol teams at rescue personnel na katuwang ng mga lifeguards.
May PCG vessels din na matatagpuan sa buong bansa upang magsagawa ng maritime patrols at ng iba pang mandato ng PCG.
Mababantayan ng coasguard units 24/7 at ang lahat ng PCG personnel and assets ay handang tumugon ng mabilis sa pandagat o anumang pangyayari sa panahon ng Semana Santa o Summer season.
Nilinaw rin ni Admiral Hermogino na walang security threath sa bansa ngunit bilang preaparasyon ng paparating na Holy Week ay pinaigting lamang ang deployment ng kanilang mga tauhan.
Babantayan din ng PCG ang mga kolurom na sasakyang pandagat gayundin ang mga overloading upang masiguro na ang barko ay seaworthy na maglayag sa dagat, dapat may sapat na bilang ng lifesaving equipment at may sapat na dokumento para sa ligtas na paglalayag “Oplan Biyaheng Ayos Semata Santa 2019”.
Mayroon ding itatalaga sa lahat ng daungan na Department of Transportation (DOTr), Malasakit Help Desk na tatauhan ng PCG kasama ng Maritime Industry Authority (Marina), Office of Transportation Security (OTC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Philippine Port Authority (PPA) bilang pangunahing ahensiya para sa Maritime Sectors at Cebu Ports Authority na lead agency naman paravsa Cebu Port Sectors na layong makapagbigay ng kaukulang tulong sa mga hinaing ng mga manlalayag at matugunan ng mabilisan. PAUL ROLDAN
Comments are closed.