CAGAYAN-PARA sa maritime security at proteksyon ng mga mangingisda, magtatayo ng station ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Calayan island.
Ito ang inihayag ni PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr. matapos na lumagda sa isang deed of donation mula sa local government ng Calayan Island sa pangunguna Mayor Joseph Llopis.
Ayon sa PCG, nakatakda silang magtayo ng mga istasyon sa Calayan Island sa probinsya ng Cagayan.
Sinabi ng PCG na sa pamamagitan nito, mapapaigting ang law enforcement, maritime security, maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection sa Hilagang bahagi ng Luzon at West Philippine Sea.
Ang Coast Guard stations o sub-stations ay itatayo sa may lawak na 1,000-square meters property ng Calayan Island na napiling ibigay sa PCG bilang suporta sa marime security effort ng pamahalaan sa mga saklaw na teritoryo.
Sa naganap na signing ceremony, pinasalamatan ni Ursabia ang lokal na pamahalaan ng Calayan Island para sa pagsuporta sa PCG. VERLIN RUIZ
637777 924311Hmm is anyone else experiencing issues with the images on this weblog loading? Im trying to discover out if its a dilemma on my finish or if it is the weblog. Any feed-back would be greatly appreciated. 850202
This article presents clear idea for the new users of blogging,
that in fact how to do blogging and site-building.