COASTAL AREAS SA VISMIN POSITIBO SA RED TIDE

ILANG coastal areas sa Visayas at Mindanao ang positibo sa  paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa latest shellfish bulletin ng BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na hinango sa naturang coastal areas ay hindi ligtas kainin.

Ang mga apektadong lugar ay ang coastal waters ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan; coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Samantala, sinabi ng BFAR na ligtas na ngayon sa toxic red tide ang coastal waters ng Biliran Islands; Leyte, Carigara Bay, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; San Pedro Bay sa Samar; Guiuan, at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag mula sa nasabing mga lugar.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” dagdag ng BFAR.