COCAINE PA MORE!

cocaine

CAMARINES NORTE – MAKARAAN ang pagkatagpo ng ma­ngingisda sa may 88  bricks ng cocaine sa baybayin ng Dinagat Island, muli na namang nakatagpo nito na  aabot sa P5 milyong  halaga sa Paracale.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 5, nakilala ang nagsuko ng naturang kontrabando na si Norly Laudiana na naglalakad lamang sa dalampasigan ng Brgy. Bagumbayan sa naturang bayan.

Nakita umano ni Laudiana ang bloke na nakabalot ng packaging tape na may nakasulat na katagang Lexus kung saan tumambad sa kaniya ang kulay puting pulbos nang buksan niya iyon.

Agad dinala sa Paracale Municipal Police Station ang nasabing bloke  at agad itong dinala naman sa Provincial Crime Laboratory at nakumpirmang Cocaine nga ang laman nito.

Pinapurihan naman ni PNP Spokesman SSupt. Bernard Banac ang pagmamalasakit ng ilang indibidwal na nagtuturo sa mga natatagpuan nilang mga kontrabando.

Dahil dito, patuloy ang panawagan ng pulisya sa mga residente na nasa mga dalampasigan at lalo’t higit sa mga mangingisda na bantayan ang mga baybayin na ginagamit ng mga sindikato ng droga para itapon ang kanilang mga kontrabando.    AIMEE ANOC

3 thoughts on “COCAINE PA MORE!”

  1. 610361 166926Empathetic for your monstrous inspect, in addition Im just seriously good as an alternative to Zune, and consequently optimism them, together with the really great critical reviews some other players have documented, will let you determine whether it does not take appropriate choice for you. 402533

  2. 635521 14977Im impressed, I should say. Genuinely rarely do you encounter a weblog thats both educative and entertaining, and let me let you know, you may have hit the nail about the head. Your concept is outstanding; ab muscles something that too couple of men and women are speaking intelligently about. Im delighted i found this in my hunt for something about it. 642132

Comments are closed.