LIBAN sa pagiging sikat na actor na partner nui Jolina Magdangan noong 90s, sikat ding negosyante si Marvin Agustin. In fact, si Marvin yata ang pinakamatagumpay na artistang negosyante sa ngayon.
Sa limang restaurant ni Marvin na sabay-sabay niyang mina-manage, ang tatalakarin natin ngayon ay ang sikat na sikat niyang cochinillo brand COCHI, kung saan ipinakita niya kung gaano siya kahusay na negosyante habang binabalanse niya ang kanyang oras sa iba pang pagkakakitaan.
Itinayo ng 43-year-old GMA star ang Wolfgang’s Steakhouse Philippines, Tai Koo HK Roast, SECRET KITCHEN, Tito Marvs, at Mr.VinMunchies.
Isinilang noong January 29, 1979 sa Penafrancia, Paco, Manila, isa siyang actor at director. Ayon kay Marvin, may apat na brands ang kanyang food group na Yummyverse — Cochi, na local and international dishes; Filipino restaurant Secret Kitchen; cocktail lounge Kondwi at ang Indian-themed Tango Tandoor.
Dahil cochinillo ang usapan, ang isang buo nito ay nagkakahalaga ng P12,000, kalahati-P9,000 at ang quiarter ay P6,000.
Bakit cochinillo e parang lechon lang naman!
Kasi nga, lechon naman talaga siya, pero mas maliit. Pag lechon kasi, 40 to 50 kilos at ang lechon de leche, kadalasan ay 30 kilos. Pero ang cochinillo, mas maliit. Pwedeng 20 kilos lang o 15 kilos. Sa halip na lechon, cochinillo na ang star of the party. Dahil biik pa lamang ito, mas malambot ang laman kaya mas masarap.
Marami ring luto sa cochinillo. Pwedeng asado o roast suckling pig. Nagmula ito sa Segovia, Spain.
Sa sobrang sarap, uulit-ulitin mo.
Kung tutuusin, pwede na rin nating sabihing ang cochinillo ay lechon de leche rin. Kasi nga, biik pa na dumidede sa nanay niya. Segovia, Spain ka dyan! Sa totoo lang, parang kalasa ng lechon de Cebu. Pero promise. Masarap talaga ang cochinillo ni Marvin. NLVN