IBA’T ibang bansa ay may kanya-kanyang programa upang makaakit ng mga turista. Sa aking pananaw ay na-papanahon na upang pag-ukulan ng pansin ang potensiyal ng COCKFIGHTING TOURISM sa ating bansa. Sa buong mundo, marahil, ay iilan na lamang ang bansa na legal ang sabong. Sa Europe, Middle East, at America ay itinuturing ang sabong na libangan ng mga barbaro, kalupitan sa hayop at isang uri ng sugal na hindi katanggap-tanggap sa mga pagbabagong nangyayari ngayon sa buong mundo.
Mahirap makipagtalo subalit sa panahon ngayon ang Filipinas na lamang marahil ang bansa sa buong mundo na maraming na-huhumaling sa sabong. Ayon sa pag-aaral, mahigit 10 milyong Filipino ang mahilig sa sabong o nabubuhay sa industriya ng manok panabong. Higit sa lahat ay legal ang sabong at halos bawat bayan sa buong Filipinas ay may sabungan. Dahil dito, tulad ng BULLFIGHTING SA BANSANG ESPANYA kung saan dinarayo ng mga turista ang kulturang ito ay bakit hindi rin natin gaw-ing pang-akit sa mga turista ang sabong. Sa ngayon, kahit saan ka pumunta ay may makikita kang sabungan at manok panabong. Sabi nga ng sikat na American breeder na si Dink Fair, “This is paradise when it comes to the sport of cockfighting. Wherever you go , you will see chickens here, there and everywhere. Why not look into the potential of offering COCKFIGHTING TOURISM.” Napakagandang panukala lalo na pagpasok ng buwan ng Enero kung saan sunod-sunod ang kasiyahan, fiesta, expo at malalaking pasabong ang nagaganap.
Isang halimbawa na lamang ang WORLD GAMEFOWL EXPO na libo-libong sabungero ang bumibisita kada araw sa loob ng tatlong araw. Ang nakatutuwa pa nito ay kapansin-pansin ang mga dayuhang mahilig pala sa manok pansabong. Mga Vietnamese, Cambodian, Thai, Indonesian, Malaysian, Japanese, Chinese, Hawaiian, Guamenian, German, French, British, Mexican, Peruvian, Puerto Rican at American ang pumupunta taon-taon mula nang magsimula ang WORLD GAMEFOWL EXPO noong Enero 2011.
Pagkatapos ng Expo ay tutungo sila sa Araneta Coliseum upang manood ng OLYMPICS OF COCKFIGHTING, ang WORLD SLASHER CUP, na mahigit l50 years nang ginaganap at sinasalihan ng mga magagaling na sabungero galing Amerika, Hawaii, Guam, Mexico, Malaysia, Indonesia at iba pa. Hindi pa ‘yan dahil tuloy-tuloy ang sabong pagpasok ng Enero patungo sa Pebrero kagaya ng WORLD PITMASTER CUP na ginaganap sa RESORT WORLD, NCA INTERNATIONAL DERBY SA YNARES GYM, NUESTRA SENORA DE CANDELARIA SA ILOILO COLISEUM, SINULOG DERBY SA CEBU AT CHINESE DERBY NAMAN SA DUMAGUETE. Kasabay nito ang mga nagagandahang festival tulad ng The Feast of the Black Nazarene sa Quiapo, Ati-atihan sa Kalibo, Sinulog sa Cebu, Dinagyang sa Iloilo at Candelaria Fiesta at marami pang iba.
Kasama ang buong pamilya talagang IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES dahil napakaraming magagandang mapupun-tahan habang nagsasabong ang kanilang tatay at asawa at anak ay pupunta sa mga world- class na beach tulad ng BORACAY, PANGLAO SA BOHOL, EL NIDO AT CORON SA PALAWAN at marami pang iba. Kung mahilig naman sa shopping ay na-pakaraming naglalakihang mall at tiangge na magandang puntahan. Malaki na ang ipinagbago ng ating bansa at sana ay tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng mga airport, seaport at ng mga tourist spot tulad ng ginawa ng pamahalaan sa BORACAY.
Ang sabong ay mahalagang bahagi ng ating kultura at sumasalamin sa pagkatao lalo na ng mga sabungero, bukod sa napalaki ng nagagawa nito upang maghatid ng kasiyahan, ito rin ay nagpapakita ng isang magandang katangian ng KATAPATAN, PALABRA DE HONOR at mainit, tapat at malalim na pagkakaibigan. Hindi maipaliwanag ang nagagawa ng sabong sa ating bansa at ngayon ito ay tinuturing nang may malaking nagagawa sa pag-unlad ng Filipinas dahil na rin sa milyon-milyong trabaho at kabuhayan ang dulot nito. Bakit hindi natin ito gamitin upang akitin ang mga TURISTA at kanilang maintindihan bakit tayo nahuhumaling sa sab-ong? Sa ganitong paraan ay maiintindihan nila na nakaugat na sa ating kultura ang libangang ito at hindi tama na tayo ay didiktahan na mali ito at wala nang lugar sa nagbabagong mundo.
Sa pamamagitan ng SABONG ay lalong makikilala ng mundo ang puso at pagkatao ng mga Filipino.
Ipinagmamalaki ko na ako ay isang sabungero at ipaglalaban ko ang kulturang ito na naging bahagi na ng buhay nating lahat. Ang kaligayahang dulot at kabuhayang naibibigay nito sa napakaraming kababayan ay hindi masusukat at magsisilbing inspirasyon sa mahabang panahon. Lalo nating pagtibayin at palaguin ang napakagandang isport na ito dahil dito na lamang sa Filipinas malaya nating nagagawa ang sabong. Tuwing LINGGO ay huwag po ninyong kaligtaang panoorin ang TUKAAN, 8:00 am to 9:00 am at tinitiyak kong marami kayong matututuhan.
Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa PILIPINO Mirror, ang tabloid na tumutulong sa pagnenegosyo.
Comments are closed.