(PART 2)
KARARATING ko lamang galing Bangkok, Thailand upang dumalo sa VIV ASIA, isa sa pinakamalaking expo sa buong mundo na patungkol sa LIVESTOCK O PAGHAHAYUPAN tulad ng baboy, manok, baka, kambing, isda, atbp.
Ipinakikita rito ang iba’t ibang teknolohiya at mga bagong pamamaraan upang makatulong sa farm production at magandang paggamit ng mga patu-ka, gamot at suplemento. Sa pamamagitan ng expong ito ay ipinakikita rin ang mga bagong kagamitan na magpapabilis sa farm production at efficiency.
Ang expo na ito ay maliwanag na nagpataas ng turismo sa Thailand at halos 100,000 mamamayan sa buong mundo ang dumalo rito upang ma-paunlad ang paghahayupan sa kani-kanilang bansa. Sa dami ng dumalo, ang susunod na tanong ay kaya kaya ng infrastructure ng Thailand ang dagsa ng mga taong ito tulad ng airport, hotel, restaurant, transportation at iba pa?
Handang-handa ang Thailand at kapansin-pansin na halos lahat ng hotel ay fully booked, ang mga restaurant ay puno at ang transport business ay walang tigil ang pagsundo at paghatid sa mga bisita at turista.
Hinog na hinog na ang Filipinas upang tularan ang THAILAND subalit sa aking pananaw ay hindi pa tayo handa sa ganito kalaking pagtitipon.
Dito ko nakita ang malaking potensiyal ng WORLD GAMEFOWL EXPO, WORLD SLASHER CUP, WORLD PITMASTER CUP atbp.
Hindi kaila na ang Filipinas ay tinaguriang MECCA NG COCKFIGTING sa buong mundo at tayo lamang ang iilan sa mundo na legal at pinahahal-agahan ang kultura ng sabong. Bakit hindi natin ito gamitin upang makaakit ng turista at tulad ng Thailand na umabot na sa mahigit kumulang sa 100 milyong turista ang bumibisita kada taon? Ayon sa mga kinauukulan ay BILYONG DOLYAR ang pumapasok na halaga ng pera mula sa mga turista pa lamang.
Bakit hindi natin gamitin ang unique advantage na ito upang makaakit ng mga turista? Napakaraming magagawa habang ang tatay ay abala sa WORLD GAMEFOWL EXPO at WORLD SLASHER CUP, ang mga asawa at anak ay maaaring pumunta sa magagandang lugar sa paligid ng CA-VITE, LAGUNA, BATANGAS,RIZAL AT QUEZON. Kung gusto naman ng mga WORLD CLASS na beach ay sa BORACAY, EL NIDO, BO-HOL at napakarami pang lugar sa ating bansa. Sabi nga ng mga turistang bumisita sa WORLD GAMEFOWL EXPO, kailangan nilang mag-book nang maaga sa eroplano at hotel sa paligid ng expo. Nakatataba ng puso na maaga pa lamang ay halos fully booked na ang mga hotel at eroplano.
Maniniwala ba kayo na sa Thailand ay ginagamit din nilang attraction ang COCKBOXING, isang uri ng sabong na walang tari o sandatang gi-nagamit.
Ang sabong sa Thailand ay NAKED HEEL o paa ang ginagamit na pamalo sa katunggali. Kung sa boksing ay kamao sa manok ay paa naman ang ginagamit.
Hindi ba kakaiba ito na maiintriga ang mga turista? Tagumpay sila sa Thailand at naisip nilang kakaiba ang sabong at ginamit din nilang attraction ito tulad ng kanilang MUAY THAI.
Marami na rin tayong plano lalo na sa mga lugar na may mga magagandang tanawin o tourist spot na isama sa kanilang lugar ang pagpunta sa mga sabungan bilang bahagi ng mga activity na gagawin ng mga turista upang makita nila ang kultura at tradisyon ng mga Filipino at bakit natin ginagawa at nakahuhumalingan ang sabong na bukod sa isang uri ng sugal ay may mabubuting naidudulot lalong-lalo na sa kabuhayan ng napakaraming Filipino na umaasa sa libangang ito.