Alahoyyy sana nga Totoo na…
Tutulungan na raw mga Coco Farmer na kaawa-awa…
Sisikaping buhayin ang kanilang Industriya…
Layon nitong maibalik ang sigla ng Pagniniyog sa Bansa.
Matagumpay na natapos 32nd National Coconut Week…
Dumagsa mga Coco Farmer na nakinig sa mga Topic…
Tiwala ang Philippine Coconut Authority muli itong magki-Click…
Dahil ang Puno ng Niyog ay tila may Magic…
Ang Niyog ay nangungunang Pananim sa Bansa…
Madali itong nabubuhay sa likas nating Lupa…
Natatangi ang Puno ng Niyog na kahanga-hanga.
Magagamit ito mula ugat hangang dahon, hindi ba nga?
Nagagamit ang Niyog sa mga Pagkain…
Paggawa ng gamot para sa kalusugan natin…
Makalilikha ng mga Produktong Pampaganda rin
Mula sa pampakinis ng balat at Gugo sa buhok na maitim.
Nangungunang Kalakal ang Niyog na iniluluwas ng bansa
Kailangan ito ng iba’t ibang Produktong Nililikha…
Noong nakalipas na taon kumita ang Industriya ng Niyog…kahanga-hanga…
mahigit isang daang bilyong Piso ang kinita ng Bansa.
Gayunman Nais ni Senadora Cynthia Villar…
Chairman ng Committee on Agriculture and Food na maitanghal
Kapakanan ng mga Coco Farmer sa trabaho nilang marangal…
Bigyan ng patuloy na Ayuda ang Magniniyog nating Minamahal
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.