COCO FARMERS MAY TRAINING PARA SA PRODUKSIYON NG NATURAL VINEGAR

COCO FARMERS

SA paghahanda ng gob­yerno para alisin sa merkado ang “fake” vinegar, sisimulan ng Department of Agriculture (DA) at ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang nationwide training para sa magsasaka at grupo ng mga kababaihan tungkol sa produksiyon ng natural vinegar, gamit ang produktong agrikultura para mapunan ang inaasahang gap sa supply.

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol, sa kanyang FB post, na ang DA at ang PCA ay maglulunsad sa Mayo 28 ng “Natural Vinegar Production Program” – na may isang araw na orientation, workshop na gaganapin sa Agricultural Training Institute (ATI) sa Quezon City.

Sakop ng orientation-workshop ang status ng Philippine coconut industry at ang plano ng gob­yerno para ma-develop ang ibang high-value products mula sa niyog;  potensiyal ng natural vinegar para sa household at industrial uses; processing at production ng natural vinegar gamit ang coconut sap, coconut water, nipa sap, sugar cane juice, banana at iba pang prutas.

Ipakikilala rin ang gamit na “Acetator” na binuo ng Department of Science and Technology (DOST), na makapagpoproseso ng coconut water para maging suka sa loob ng 16 na oras;  ang DA-PCA program para sa paggawa ng village-level processing facili-ties para sa  pangkabahayan at industrial vinegar; at ang DA-ACPC (Agricultural Credit Policy Council) Loaning Program for Agri-cultural Production na sakop ang produksiyon ng household at industrial vinegar.

Magkakaroon din ng regional orientation-workshops matapos ang paglu­lunsad nito sa Quezon City.

Inimbitahan na dumalo sa first orientation-workshop ng natural vinegar production ay ang mga eksperto sa linyang ito, gayundin ang mga magsasaka at negosyante na nagpoprodyus na ng suka.

Isa sa mga pangunahing kompanya ay ang Green Life Coco Products na nakabase sa Laguna, na nakapagpoprodyus ng 20-metric tons ng organic coco sap vinegar at 60-metric tons ng coco water vinegar buwan-buwan.

Ang paggawa ng suka ay isang tradisyunal na pinagkukunan ng kita para sa maraming coconut farmers sa bansa pero ito ay na-kaligtaan na at hindi na pinapansin ng gobyerno noong mga nakaraang panahon.

Dahil ang mga kons­yumer ngayon ay nagiging health-conscious at naghahanap ng malulusog na pagkain, sinabi ni Piñol na ang produksiyon ng natural at organic vinegar ay may malaking potensiyal sa merkado, dapat nga lamang na mabago ang proseso ng produksiyon kasama ang packaging sa tulong ng gobyerno.

Para sa coconut water lamang, nakapagpoprod­yus ang bansa ng 15 bilyon na matured nuts taon-taon, na ang mga magsasaka ay nakapokus lamang sa pag-aani ng laman ng niyog at itinatapon ang ibang bahagi ng bunga kasama ang tubig nito.

Halimbawa ang isang bunga ng niyog ay nagtataglay ng apat na litro ng coconut water, ang vo­lume ng coconut water na nasa-sayang ay tinatayang nasa 3.5 billion liters, obserba niya.

Ang isang litro ng suka ay naibebenta nga­yon sa merkado ng PHP50 habang ang fruit vinegar ay mas mataas ang presyo.

Naunang nag-isyu ang Food and Drug Administration (FDA) OIC Director General na si Rolando Enrique Domingo na: “con-sider vinegar a natural product that should have undergone the natural process of alcoholic or acetous fermentation of natural raw materials.”

“If the product contains artificial matter, such as synthetic acetic acid or cloudifying agent, it is considered adulterated,” ani Do-mingo.

Sinabi niya  na ang FDA ay “coordinating with the PNRI (Philippine Nuclear Research Institute) for the submission of the results of the analysis, while continuously subjecting vinegar products for testing. Synthetic acetic acid may not be harmful per se, but products using such chemicals shall have their reg-istration with the FDA revoked for misdeclaration.”          PNA

Comments are closed.