NOONG 2017 MMFF, hindi nagtagumpay sina Coco Martin ng “Ang Panday” at Vic Sotto ng “Meant To Beh” na patumbahin si Vice Ganda ng “Gandarappido: The Revenger Squad” sa takilya.
Naging top grosser ang pelikula ni Vice samantalang pumangalawa lang ang fantasy movie na directorial debut ni Coco. Hindi nakapasok sa top 4 sa takilya ang comedy movie nina Vic at Dawn, bagama’t pinuri ng mga kritiko ang naging pagganap ng TV host-actor.
Ngayong taon, magkakaroon ng part 2 ang laban nina Coco at Vice pero may bagong kakampi ang primetime King dahil nagsanib-puwersa sila ni Bossing Vic para agawin sa unkabogable star ang trono bilang box office king.
Exciting ang magiging laban sa takilya ng ika-44 na edisyon ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Nagkatotoo nga na magiging pukpukan ang laban ni Vice Ganda vs. Coco Martin at Bossing Vic Sotto sa taunang piyesta ng pelikulang Filipino.
Pasok ang “Fantastica: The Princesses, The Prince and The Perya” ni Vice Ganda.
Kasama sa cast si Maris Racal pero wala pang detalye kung sino ang magiging leading man ni Vice bagamat maugong ang balitang puwedeng pumasok si Dingdong Dantes.
Ito ay ididirehe ni Barry Gonzales.
Magkaalyado sina Coco Martin at Vic Sotto sa “Popoy and Jack: the Puliscredibles” na ididirehe ni Rodel Nacianceno, tunay na pangalan ni Coco. Ito ang ikalawang directorial assignment ni Coco pagkatapos ng “Ang Panday.” Ito ay ipoprodyus ng CCM Productions ni Coco at ng M-Zet Films ni Vic Sotto sa pakikipagtulungan ng APT Entertainment.
Isang thriller naman ang entry ni Anne Curtis pagkatapos ng kanyang matagumpay na “Sid and Aya: Not A Love Story”. Ito ay ang “Aurora” ng Viva Films at ididirehe ng nagbabalik-sirkulasyon na si Yam Laranas na ang huling pelikula ay ang Sinag Maynila entry na “Abomination”.
Naka-iskor din ang Quantum Films dahil pasok sa ikaapat na puwesto ang “The Girl In the Orange Dress” na magtatampok kay Kim Chiu. Pinagpipilian pa kung si Jericho Rosales o Sam Milby ang magiging leading man niya. Ito ay ididirehe ni Dan Villegas ng “English Only Please”, “Walang Forever” at “All of You”.
Ang apat pang kokompleto sa Magic 8 ay pipiliin mula sa mga finished film na isinumite sa MMFF na iaanunsiyo sa fourth quarter ng taon.
For your comments/reactions write to [email protected].
Comments are closed.