ISINILANG na Rodel Pacheco Nacianceno noong November 1, 1981, mas kilala siya bilang Coco Martin, isang Filipino actor, director, producer, at screenwriter.
Sikat siya sa kanyang mga performances sa action and romantic drama, at isa rin sa mga most awarded Filipino actors ng kanyang henerasyon.
Ilang sa kanyang achievements ay ASEAN International Film Festival and Award, dalawang FAMAS Awards, dalawang Gawad Urian Awards, sampung PMPC Star Awards for Television at walong Box Office Entertainment Awards. Kayang kumita ng pelikula ni Coco nh ₱2.3 billion worldwide, kaya masasabing isa siya sa highest-grossing box office stars of all time. Kinilala rin siya ng Tatler Asia na isa sa mga most influential Filipino personalities sa Asia.
Magtataka pa ba tayo kung ang maisipan niyang negosyo ay pagtatayo ng sarili niyang productions?
Noong 2017, itinatag ni Coco ang ‘CCM Film Productions’ na siya mismo ang may-ari. Tatlong pelikula pa lamang ang nagawan niya — Ang Panday, Jack Em Popoy: The Puliscredibles, at 3pol Trobol: Huli Ka Balbon!, na lahat ay si Coco ang bida, at lahat din ay kumita sa takilya.
Siya rin ang producer, director, at paminsan-minsan ay screenplay writer ng sikat na primetime telenovela na “Batang Quiapo.”
Kinumpirma niyang in a relationship siya kay Julia Montes at 12 years na ito. In fact, mayroon na silang anak.
Ngunit wala pa kaming naririnig na balita sa wedding bells.
Nitong 2024, ang estimated net worth ni Coco Martin ay $20 Million. Isa siya sa pinakamatandang celebrities sa buong mundo. Kinita niya ito mula sa pag-aartista.
Malaki ang utang na loob ni Coco sa Philippine entertainment industry, dahil dito siya sumikat at yumaman. Dito rin siya nakakuha ng puhunan para sa kanyang negosyo.
Aminadong nagmula sa hirap, ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang kanyang successful acting career, endorsements, real estate investments, at ang kanyang production company, na siyang dahilan kung bakit tumaas ang kanyang net worth.
Bilang bàhagi ng kanyang pasasalamat, tumutulong siya sa kapwa aktor na muling makabalik sa limelight gamit ang mga tekeseryeng pinagbibidahan niya. RLVN