BALE dalawang beses ko pa lang nakaharap si Coco Martin, pero first time na may selfie kami sa launch ng King Cup sardines. Natuwa ako ng bongga sa kanya dahil siya ang humawak sa cellphone ko for the selfie. Natuwa rin siya sa tanong ko kung makikita ang sardines brand sa mga eksena ng Ang Probinsyano at kung ano ang pakiramdam na maging hari ng primetime.
Bilang sagot, malaki ang pasasalamat nito sa tagumpay na tinatamasa simula noong mag-umpisa siya bilang indie actor. At ngayon nasa mainstream na siya at may long-running teleserye, siya ay tumatanaw ng utang na loob at tumutulong sa kapwa artista through his teleserye.
“Wala pa akong naiisip na susunod na TV project dahil mahaba pa ang kuwento ni Cardo,” sambit ni Coco.
At matapos ang interview ng media, umalalay pa sa siko ko si Coco at nagsabing, thank you, sabay ngiting ‘di na makita ang kanyang mga mata.
No wonder, mahal ng movie press si Coco: sincere at magiliw ito. Masaya rin siyang kausap at sinasagot ang anumang tanong sa kanya.
Sinabi rin ni Coco na wala siyang lovelife sa ngayon dahil puro trabaho ang nasa isip niya.
“Pinagdaanan ko na rin naman lahat ‘yan. I’m 36, siguro by 40 puwede na ako magka-lovelife o mag-asawa,” pakli nito.
Siguradong matutuwa ang taga-subaybay ni Cardo dahil may entry si Coco sa Metro Manila Film Festival na ‘Popo en Jack: The Pulis Incredible’ kasama si Vic Sotto.
Napabalita na siya ang magdidirek nito, na kalaunan ay itinanggi ng aktor. Si Mike Tuviera na ang director ni Popo en Jack.
“Ako ngayon ang nagdidirek ng ‘Ang Probinsyano’, mahihirapan ako,” sambit pa niya.
At marami ang hopeful na si Maine Mendoza sana ang leading lady niya sa filmfest movie.
Sana nga magkatrabaho kami. Kasi, feeling ko pareho kami, parehong masa,” sambit nito.
Samantala, ang King Cup ay gawa ng Permex Producer and Exporter Corporation in Zamboanga, one of the biggest and efficient tuna and sardine processing plants in the country for 30 years now. Mabibili sa lahat ng supermarket, ang Sales and Marketing office nito ay nasa 232 Baesa Industrial Terminal Quirino Highway.
Comments are closed.