COCO MARTIN TATAPATAN NINA DENNIS TRILLO AT DINGDONG DANTES

IPANTATAPAT daw ng GMA7 ang ‘Cain at Abel’ na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis swaktoTrillo sa ‘Ang Probinsiyano’ ni Coco Martin. Nang makakuwentuhan nga namin ang isa sa mga artista sa serye na si Pauline Mendoza, excited na din siya na umere na ito dahil action-packed daw talaga ito.

Of course, thankful at masaya ang teen actress na makasama sa serye dahil dalawang big stars lang naman ng Kapuso network ang nakasama niya.

“Nakatrabaho ko na po dati si Kuya Dingdong sa Alyas Robinhood. Natuwa nga po ako nu’ng natatandaan niya pa ako,” banggit pa ng “multo” sa matagumpay na Kambal Karibal.

Ipinagpapasalamat din ni Pauline na after ng top-rating na Kambal Karibal kung saan tumatak talaga sa televiewers ang role niya ay nakasama pa din siya sa another big project na Cain at Abel.

“Thankful po talaga ako sa projects na binibigay nila sa akin. Kahit papaano po hindi ako nababakante,” aniya pa.

Na-nominate si Pauline sa nakaraang Star Awards for Tv ng Philippine Movie Press Club (PMPC) as Best Supporting Actress, pero unfortunately ‘di niya naiuwi ang tropeyo. Aminado naman ang batang aktres na iniyakan niya raw ang hindi pagkapanalo rito.

We consoled Pauline na there could be better awards and rewards na para sa kanya in the future if she just keep giving her best always sa trabaho niya.

Sa ngayon, inspiras­yon niya ang mommy at daddy niya bilang only child ng mga ito. All-out support din naman ang parents niya sa career ni Pauline.

HIVMGA KABATAAN BIKTIMA NA RIN NG AIDS

EPIDEMIC na talagang matatawag ang HIV AIDS dahil ayon sa latest data ng Department of Health ay mga kabataan na ang nadadale ng sakit na ito.

There are efforts to disseminate informations regarding this dreaded disease, pero very bold and brave at talagang straight story-telling ang book na ‘Mga Batang Poz’ ni Se­gundo Matias Jr.

Sa katunayan, after reading the stories of youngsters sa book na based sa true events, matatakot ka talaga at malulungkot sa pagkalat ng epidemya sa mga kabataan.

Sabi pa nga ng may-akda sa launching ng  ‘Mga Batang Poz’ ready din siya sa lahat ng klaseng feedbacks sa kanyang libro dahil mahalaga na on his part ay maka-raise din siya ng awareness about HIV AIDS. Ready na rin daw ang young adults sa kanyang libro.

We highly recommend ‘Mga Batang Poz’ hindi lang sa mga kabataan kundi sa mga parent din na mabasa nila ito.

Comments are closed.