MORE than ten years na rin natigil sa paggawa ng pelikula ang sikat na action star na si Monsour del Rosario na ngayon isa nang congressman ng Makati City.
Nang dalawin namin si Congressman Vilma Santos ay nakatsikahan ng grupo si Congressman Monsour at naitsika ng sikat na action star na magaling talaga sa totoong buhay sa martial art na hindi niya raw natanggihan ang kaibigan at writer/director ng bale comeback movie niya na “The Trigonal” pero hindi siya ang bida.
Mas gusto raw kasi niya ng role na isang mentor ng bida na siyang magtuturo ng martial arts. Okey lang at hindi siya choosy sa role na gagampanan basta huwag lang makasisira sa kanyang image.
Tinanggihan niya ang role na ibinibigay sa kanya para makasama ni Coco Martin sa Ang Probinsiyano dahil hindi raw maganda sa isang tulad niya, lalo na ngayon isa na siyang Congressman.
Ang naging dahilan ni Monsour kaya tinanggihan ang offer na makasama sa serye ni Coco ay masama raw kasi ang character na gagampanan.
Bale ba dalawang beses tinanggihan ni Monsour ang offer na makasama sa Ang Probinsiyano dahil masamang congressman ang kanyang gagampanan. Okey na raw at natuwa siya sa character na congressman dahil ‘yun naman ang ginagawa niya araw-araw bilang congressman sa Makati City.
Ang naging problema lang sa character na gagampanan niya ay isang congressman na protector ng drug lords sa Makati.
“Ang pangit naman, Congressman ako sa Makati tapos, protector pa ako ng drug lord sa Makati! Ayaw ko niyan, medyo pangit.”
Makalipas ng tatlong buwan ay muli raw siyang tinawagan para sa role na Police General Bato. Nagustuhan niya ang character bilang si General Bato, pero hindi niya nagustuhan muli ang character na magiging protector ng pulis na protector ng drug lords.
Siya na raw mismo ang nagsabi na baka puwedeng gawin siyang mentor ni Coco Martin na nagtuturong bumaril o nag-i-inspire na maging isang pulis. Kahit anong role basta huwag lang masama ang image na ipo-portray na kanyang gagawin.
“You know naman some people na no read, no write, baka isipin nila sa totoong buhay ganyan talaga ako. Kasi nadadala sila sa acting mo. So sabi ko, mga positive role,” katuwiran ni Monsour kaya takot tumanggap ng role na masama at hindi maganda sa kanyang image bilang isang congressman.
Kung nagkataon pala natuloy si Monsour makasama sa Ang Probinsiyano ay makakasama niya muli ang dalawang babaeng naging parte ng kanyang buhay na sina Dawn Zulueta at Agot Isidro. Ex-girlfriend kasi niya ang dalawa na may kanya-kanya na rin karelasyon sa buhay. Naging maganda naman daw ang naging relasyon niya kina Dawn at Agot na kahit hindi nag-push ang kanilang naging relasyon ay magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.
ROBIN PADILLA PALAG SA PAGKAWALA NG FACEBOOK ACCOUNT
ANG sunod-sunod na pagbatikos ni Robin Padilla kay Senator Trillanes sa kanyang Facebook account ang siyang itinuturing na dahilan kaya raw bigla na lang na-deactivate at hindi na siya makapag-access pa.
Sa interview kay Robin sa Super Radyo DZBB ay nabanggit nito ang tungkol sa pagkaka-deactivate ng kanyang Facebook pagkatapos siyang sabihan ni Trillanes na isa siyang “noisy.”
Pakiwari ng actor ay malamang daw may mga supporter si Trillanes na ni-report ang kanyang account dahil sa mga pinost niya laban sa senador.
“Kasi po kinansel po ‘yung Facebook ko. Hindi ko na mahanap. Ano po kaya ang ire-report nila dun…? Wala naman po akong bold doon.
“Ang lahat po ng aking content ay tungkol po sa bayan,” paliwanag pa ni Robin.
Samantala, masaya si Robin at maganda ang takbo ng career ng kanyang pamangkin na si Daniel Padilla. Maging ang pagbabalik hosting ng kanyang maybahay na si Mariel Rodriquez Padilla na masaya sa piling ng mga kasamahan sa It`s Showtime.
Nangako rin si Robin na magiging open siya sa pagtatanggol sa ating bayan at sa mga namumuno na marunong at walang kaplastikan sa pagtulong sa mamamayan ng bansa.
Comments are closed.