COCO MULING TATAPATAN ANG MOVIE NI VICE SA MMFF ‘19

TATAPATAN pala ni Coco Martin ang movie nina Vice Ganda at Anne Curtis para chizmaxsa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019. Maka-kasama ni Coco si Edu Manzano at ang working title ng movie nila ay “Tripol Dobol.”

Dalawang Kapuso actress din ang makakasama nina Coco at Edu, sina Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado.

Hindi lang lead actor dito si Coco kundi siya rin ang director ng nasabing pelikula.

Hindi ito ang unang beses na naglaban sa MMFF ang Coco-Vice movie. Last year ay nagtapat na silang dalawa via Fantastica at Jack Em Popoy.

NETIZENS: BAKIT SA KAPAMILYA MAPANONOOD ANG LABAN NI PACQUIAO AT ‘DI NA SA KAPUSO?

PALAISIPAN sa amin kung bakit sa Kapamilya Network nagpo-promote ang Pacquiaoathlete-senator na si Manny Pacquiao ng kanyang laban kay Keith Thurman sa darating at  gaganapin sa Las Vegas sa July 21.

Ayon pa kay Pacquiao, ang kanyang laban ay eksklusibong mapanonood sa nasabing network.

Maging ang netizens ay nagtatanong, ano raw ba ang nangyari between Pacquiao at GMA-7?

Nasanay na raw kasi ang madlang pipol na ilang taon na nilang napapanood sa Kapuso Network ang bawat laban ng Pinoy Champ. May namamagitan daw bang alitan sa magkabilang kampo?

Well, ang katanu­ngang iyan ay ‘di po namin masasagot dahil maging ang inyong lingkod ay nagtataka sa pangyayari.

Tanging ang GMA-7 ang makakasagot sa inyong mga tanong.

ANAK NI NEIL BEST MAN SA KASAL NILA NI ANGEL

MARAMI ang hindi nakakaalam na may anak na ang fiancé ni Angel Locsin na si Angel and nielNeil Arce.

Nagulat na lang ang netizens na isa ang anak ni Neil na nag-congratulate sa ama. Hanggang ngayon kasi ay umaapaw pa sa dami ng celebrities ang bumabati sa celebrity couple.

Ayon sa Pinoy New Channel, wish ng anak ng movie-producer sa ama ay fun at healthy relationship para sa kanilang dalawa ni Angel.

“But anyway, I pray for the longevity of your marriage and to never have a bad time with each other. I hope you have fun and have a healthy relationship together. God bless!”

Sagot naman ni Neil sa anak, “Thank you little boy! You’re my best man!”

Comments are closed.