COCONUT BAZAAR AT KADIWA SA QUEZON BINUKSAN

coco bazaar and Kadiwa

QUEZON – BILANG bahagi ng 2020 National Coconut Month celebration ng Philippine Coconut Authority (PCA) Region IV, pormal na binuksan kahapon ng umaga ang ‘Coconut Bazaar at Kadiwa ni Ani at Kita’ na pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez na guest speaker sa lalawigang ito.

Naging pangunahing tagapagsalita rin si Ramon Rivera, OIC at regional manager ng PCA kung saan inihayag nito ang pagnanais na mapaigting ang pagtulong sa mga magsasaka.

Gayundin, sa mensahe naman ni Department of Trade and Industry(DTI)-Quezon Director Julieta Tadiosa, sinabi nito na ang mga produktong mula sa niyog na ini-export dahil sa magandang benepisyong nakukuha mula rito.

Dahil dito, inatasan ni Suarez ang provincial agriculturist at ang mga hepe ng PCA na bumuo ng plano kaugnay sa pagdami ang mga niyog na inaani sa nasabing lalawigan.

Partikular na tinukoy nito, ang ginagawang Virgin Coconut Oil (VCO) Processing Facility sa bayan ng Pagbilao na nagtataglay ng magandang epekto sa kalusugan at pinag-aaralang panlaban sa COVID-19. BONG RIVERA

Comments are closed.