KINUMPLETO ng integrated coconut manufacturer Axelum Resources Corp. ang pagpapalawak sa spray-drying line ng kanilang planta sa Medina, Misamis Oriental, kasabay ng paghahanda nito sa lumalagong merkado para sa coconut-based products.
Ayon sa presidente ng manufacturer na si Henry Raperoga, ang P250-million project ay magdaragdag ng kapasidad ng planta mula sa 10 metric tons (MT) ng coconut milk powder bawat araw hanggang 20 MT bawat araw. And dobleng kapasidad ay mangangahulugan na magkakaroon ng taunang kapasidad na 4,800 MT.
“The expansion utilizes the latest agglomeration technology in spray-drying,” ani Raperoga.
“Agglomeration is a process that makes the powder more dispersible or soluble when introduced to liquid.
“The new spray-drying line will allow us to develop new products from agglomerated – or instant – coconut milk powder,” aniya, sabay dagdag na isang produkto nito ay ang organic coconut milk powder.
Nitong nakaraang buwan, sinabi ng Axelum na nakapagsara sila ng bagong order ng bagong organic coconut milk powder na gagamitin bilang sangkap sa produkto sa pangangalaga ng balat. Ang unang order, na pang-export ay para sa 170 MT, na nagkakahalaga ng halos USD1.3 million.
Ang Agglomerated organic coconut milk powder ay isang high-technology, higher-priced coconut milk variant na ipinakikilala ng kompanya para matugunan ang demand para sa mga produktong pang-kalusugan.
Naunang ini-report ni Raperoga na ang coconut milk powder ay isa sa may mataas na marka na inihahandog na manufacturer nito.
“Pound-for-pound, the selling price of coconut milk powder is three to four times that of our mainline product desiccated coconut. Coconut milk powder and desiccated coconut are produced from the same raw material. Thus, the addition of this new spray-drying line enables us to shift production to higher margin products,” dagdag pa nito.
Ibinahagi ni Raperoga na ang mga konsyumer na health-conscious sa buong mundo ay handang bumili o magbayad para sa healthy products, at plano ng kompanya na ang produkto ay samantalahin sa trend na ito, at ipagpatuloy ang paghahanap ng merkado para sa coconut milk powder.
“In particular, the company is exploring the introduction and production of more gluten-free, dairy-free, and organic variants of existing product of-ferings,” dagdag pa niya. “The expansion will permit us to actively pursue the development of these products.”
Nakapagprodyus ang kompanya ng 2,400 MT ng coconut milk powder noong 2018; na may export na 1,300 MT at sa merkadong lokal na umabot sa 872 MT. Nakatulong ang coconut milk powder ng P658 million sa kabuuang kita ng parehong taon. PNA