BINALAAN kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga nagkakanlong kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.
Sinabi ni Guevarra na mahaharap sa kaso ang protectors at coddlers ni ‘Bikoy’ sa partisipasyon niya sa illegal drug trafficking.
Bukod dito ay may mga pending warrants of arrest si ‘Bikoy’ sa iba’t ibang kasong kinakaharap nito.
Kasalukuyang nagsasagawa na ng imbestigasyon at pag-aaral ang NBI sa kaso ni Advincula.
Pinag-aaralan na rin ng kagawaran kung paiimbestigahan nila sa NBI ang ibinunyag ng Malakanyang na panibagong “ouster matrix” laban sa administrasyong Duterte.
Samantala, hinamon ni Senate President Vicente Tito Sotto III si ‘Bikoy’ na ilantad ang mga nasa likod ng pagsisinungaling na nagdadawit kay Pangulong Rodrigo Duterte, anak na si Paulo Duterte at right hand na si Bong Go sa droga.
Ayon kay Sotto, mas makabubuti para kay Bikoy na ikanta na nito ang nag-uutos sa kanya na itinapat pa sa panahon ng kam-panya.
Naniniwala si Sotto na may nagpopondo kay Bikoy para gawin ang paninira sa administrasyon.
Sa harap ng mga mamamahayag, naglabas ng power point presentation si Sotto na ipinapakita nito na may pagdududa ang tes-timonya ni ‘Bikoy’ na kung saan idinadawit din nito noong 2016 si dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III, dating Execu-tive Secretary Jojo Ochoa at iba pang dating opisyal ng dating administrasyon sa quadrangle syndicate
Ipinagkumpara ni Sotto ang akusasyon ni Bikoy kay PNoy at kay Pangulong Duterte na halos parang paninira lamang dahil hindi magkakatugmang mga detalye na mga sinasabi nito partikular sa mga numero ng bank accounts na ibinigay nito na dumadawit sa Pangulo.
Ani Sotto, maraming discrepancies sa mga testimonya ni ‘Bikoy’ na mistulang gawa-gawa lamang at nakikisawsaw sa isyu.
Aniya, noong 2016 din sa kasagsagan ng isyu ng droga kay De Lima, lumapit si Bikoy sa kanyang tanggapan at panahon na-man ng kampanya nang lumabas ito ngayon na iniuugnay ang Pangulong Duterte sa droga.
Hindi rin maiwasan ni Sotto na sabihin na tila may tama sa pag-iisip si Bikoy matapos na sabihin sa kanya ng staff ng huli. VICKY CERVALES
Comments are closed.