(ni CT SARIGUMBA)
COFFEE is life.
Lahat naman tayo ay napakahilig sa kape. Sa umaga pa lang, pagbangon natin sa kama, ito na ang hinahanap-hanap natin. Kakaiba ang aromang du-lot ng kape sa ating sistema. Nakagigising ito ng kabuuan. Karamay na natin ang kape sa araw-araw.
At nang mabuntis ako, isang naging problema ko ang kape. Unang tinanong ko sa OB ko kung puwede ba akong magkape kahit na nagdadalang tao. Malakas pa naman akong magkape. Limitadong pag-inom ng kape, iyan ang sinabi sa akin ng OB ko. Kaya’t kung nakaaapat o limang mug ako sa isang araw, napilitan akong ibaba iyon sa isang tasa lang.
Hindi nga naman kasi nakabubuti ang sobrang kape sa expecting at nursing mother. Pero napakahirap na ang isang bagay o inumin gaya ng kape ay biglang kailangang itigil o limitahan. May ilan ding mga first time mom na hindi kaagad nagkakaroon ng gatas at kailangan pang uminom ng kung ano-ano.
Mabuti na lang at isang mompreneur ang nakaisip ng paraan—si Lan Perez. Sinimulan niya ang country’s first brand of lactation coffee and choco drink mixes, ang Mother Nurture.
Nagsimula ang breastfeeding journey ni Perez sa story ng relactation. Six years ago nang nagdesisyon ang mother of two na mag-relactate upang ma-nurse niya ang kanyang three-month-old son na si Jaden. Hindi niya nagawang mapa-breastfeed ang kanyang panganay na si Andre at ayaw niyang mangyari ulit iyon sa kanyang ikalawang anak.
At ang buong relactation process ay naging daan upang si Perez ay maging breastfeeding advocate, sa tulong na rin ng Facebook group na Breast-feeding Pinay na sumuporta sa kanya. Naging masaya si Perez dahil nagagawa na niya sa kanyang ikalawang anak ang hindi nagawa sa panganay. Gayunpaman, malaking sakripisyo ang kinaharap nito lalo na nang ang kanyang baby ay naging sensitive sa kahit na anong klaseng caffeine sa kanyang sistema.
“After 14 months of no coffee, I needed my sanity back,” ayon pa kay Perez.
Kaya naman, sinubukan niyang maghanap ng “friendly” alternatives ngunit maging ang coffee na may malunggay ay may nakalagay na “not suited for breastfeeding mothers.”
Nang walang makitang solusyon sa problemang kinahaharap, nag-isip siya ng paraan. Tumagal nang tatlong buwan ang pagkunsulta niya sa lacta-tion experts at pag-eeksperimento sa tulong ng chemist para lang makabuo ng isang produktong kailangan ng mga kagaya niyang nursing mom. Dito nadiskubre ang Mother Nurture 7-in-1 Coffeemix and Chocomix.
Ang nasabing produkto ay ginawa para sa breastfeeding moms. Ang bawat sachet nito ay naglalaman ng natural galactagogues, o sangkap na tumu-tulong sa milk production gaya ng calcium lactate, stevia leaves, gotu kola, ashitaba, at malunggay.
Nakatulong kay Perez, hindi lamang sa kanyang breastfeeding journey kundi maging sa financial freedom ang naturang produkto.
Limang taon na ang nakalipas nang simulan ni Perez ang kanyang produkto, at hanggang ngayon ay patuloy siyang nagbabahagi ng good fortune sa ibang kababaihan sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanyang produkto sa reselling. Karamihan din sa kanyang associates ay mga nursing mom na nag-e-enjoy sa benepisyong dulot ng Mother Nurture’s mixes.
“I want to give them the opportunity to earn while taking care of their families,” pagtatapos pa ni Perez.
Comments are closed.