MAGPAPAKITA ng kanyang green coffee sa isang Specialty Coffee Exposition in Boston, Massachusetts sa United States sa susunod na buwan ang isang coffee farmer mula sa Bansalan, Davao del Sur.
Sinabi ni Marivic Dubria, na nanalo ng first place Arabica Category of the Philippine Coffee Quality Competition (PCQC), sa isang panayam kamakailan sa Habi at Kape sa Abreeza na isasali niya ang kanyang nanalong green beans sa Boston Coffee Expo.
Ito ang pangalawang beses para kay Dubria na sumali sa international exposition. Ang una ay ginanap sa Seattle sa US din, matapos na manalo ng second place sa PCQC 2018.
Sinabi niya na ang pagsali sa international event tulad ng Specialty Coffee Expo sa Boston ay magbibigay sa mga magsasaka ng dagdag na kaalaman sa pagpapalago ng kape, pagpoproseso at marketing.
“I was challenged to grow coffee the right way because I believe we could command a good price in the market,” ani Dubria.
Sinabi niya na nagsimula siyang magbenta ng green beans ng PHP100 bawat kilo pero ang specialty coffee ngayon ay may pre-syong PHP600 bawat kilo.
Ang coffee farm ni Dubria ay nasa 2.5 ektarya na may total na prodyus na 1,000 kilos kada ektarya bawat taon. Sinabi niya na hindi madali pero ang pagsunod sa magandang agricultural practices at ang “pick red only” fruit ang nagpagaling sa kanilang green beans na maging special.
Si Dubria ay isa sa 200 farmer-members ng Balutakay Coffee Farmers Association (BACOFA), na nagpapalago ng kape sa paanan ng Mt. Apo.
Sinabi niya na ang lugar ay bagay para sa specialty coffee dahil ito ay mataas na tamang pagtaniman.
Sinabi ni TJ Ryan, Chief of Party of the PhilCAFE (Philippine Coffee Advancement and Farm Enterprise) Project, na ang Phil-ippine Cupping Competition ay nakahanda sa kanilang ikatlong taon.
Sinabi niya na ang layunin nito ay para himukin ang mga magsasaka na pag-ibayuhin nila ang kanilang kalidad ng kape mula sa sakahan hanggang sa pagpoproseso nito.
“The trend of improvement is a positive and great sign for Philippine coffee,” sabi niya. PNA
Comments are closed.