COFFEE FARMERS NG BULACAN TINUTULUNGAN NG DTI

PURSIGIDO ang Department of Trade and Industry (DTI) Bulacan Provincial Office sa pagtulong sa pamunuan ng Talbak Fruits and Coffee Growers Association Inc. (TFCGAI) sa Brgy, Talbak sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan.

Sa tulong na rin ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) nagkaroon ito ng market linkage sa Henry & Sons Trading and Manufactu­ring Co., Inc.sa Laguna nito lamang nakaraang buwan ng Abril 8 kung saan ang Talbak Fruits and Coffee Growers Association Inc. ay una nang benepisyaryo ng Agrarian Reform Beneficiary and Organization.

Ayon kay TFCGAI President Rodrigo Aquino Jr. ang assosasyon ng coffee farmers sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan ay recipient ng DTI CARP’s na business support interventions sa ilalim ng Industry Cluster Enhancement (ICE) program na priority sectors.

Sinabi naman ni DTI Paolo Mari Madlangbayan na kinatawan ni DTI Provincial Director Edna Dizon na iba’t ibang tulong na ang naibigay ng ahensiya sa grupo upang mapataas ang produksyon ng Green Coffee Beans at Roasted Coffee.

Bagaman bahagyang na apektuhan ng CO­VID-19 pandemic noong 2019 at 2020 subalit sa kabila nito ay nagtuloy-tuloy ang produksyon ng kape.

Matapos ang meeting sa kumpanya ng Henry & Sons Inc. at ng mga magsasaka, pumasa sa isinagawang test sa quality maging sa moisture level ng kape.

Kasunod nito, may nauna nang initial order na 1,200 kilo ang kum­panya ng Henry & Son Inc nito lamang Mayo 16 .

Samantala, tiniyak ng DTI Bulacan na ipag­papatuloy nito ang pagmomonitor sa grupo partikular sa produksyon at packaging. THONY ARCENAL