COFFEE FARMING SA BATANGAS, PASISIGLAHIN

MULA sa mandato ni Mayor Eric Africa na maibalik ang sigla ng pagtatanim at produksyon ng kape sa lungsod, inilunsad ang Environmental reBuilding Action katuwang ang tanggapan ng City Environment and Natural Resources, sa pangunguna ni Ric Libon sa mga barangay ng Talisay, Dagatan, Lumbang at Marawoy.

Kasama sa Tree Planting at Eco Walk ang mga Barangay Officials sa pangunguna ng kanilang mga Punong Barangay.

Nagpahayag ang alkalde ng optimismo na ang mga pagsisikap na paunlarin ang teknikal at kakayahan sa negosyo ng mga magsasaka ng kape sa lalawigan ay patuloy na tatanggap ng pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng Calabarzon arm ng Department of Agriculture.

Naniniwala si Africa na ang patuloy na suporta ng nasyunal at lokal na pamahalaan gayundin ng pribadong sektor ang magbibigay daan sa paglago ng industriya ng kape.

Iniatas ng punong bayan ang pagtatanim ng 100,000 coffee seedlings sa lungsod ngayong taon.
RUBEN FUENTES