‘COIN-MMUNI-TEA PANTRY’ SA QC NAG-AALOK NG BARYA AT TSAA

KAKAIBA ang iniaalok sa isang community sa Quezon City na may tatlong araw pa lamang na nag-o-operate, dahil sa halip na pagkain ay namimigay sila ng mga barya na maaaring gamiting pamasahe, gayundin ng mga tsaa para isulong naman ang healthy living sa mga mamamayan.

Ayon kay Karl Bartolata, organizer ng naturang ‘Coin-mmuni-tea pantry,’ na matatagpuan sa Visayas Avenue, Quezon City na mga pagkain din ang una nilang iniaalok sa mga residente nang umpisahan nilang iorganisa ang kanilang community pantry.

Gayunpaman, may ilang mga donor silang nakausap na nahihiya magbigay ng donasyon dahil mga barya lang ang kaya nilang ialok.

Dito na aniya nila naisipang itatag ang ‘Coin-mmuni-tea pantry’ kung saan maaring mag-donate at kumuha ng barya ang kahit na sino para sa mga nangangailangan ng pamasahe nila.

Bukod sa barya, may mga tsaa rin na alok tulad ng tanglad tea at iced tea na kaloob ng grupong Galaw ng Kalikasan.

Layon nito na maisulong ang healthy living sa mga mamamayan.

Nabatid na binubuksan ang ‘Coin-mmuni-tea pantry’ mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi. EVELYN GARCIA

13 thoughts on “‘COIN-MMUNI-TEA PANTRY’ SA QC NAG-AALOK NG BARYA AT TSAA”

  1. 398212 638060Hello! I just wish to give an enormous thumbs up for the very good data you might have right here on this post. I can be coming again to your blog for a lot more soon. 835770

Comments are closed.