DAVOS, Switzerland– TIWALA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakayanin ng mga bansa sa tahakin ang sariling destinasyon at maging sagana nang hindi kailangan na pumasok sa tinatawag na Cold War mentality.
Sa kanyang talulmpati sa luncheon meeting na inorganisa ng Philippine chief executives ng economic team dito sinabi ng Pangulo na nahaharap ngayon sa matinding pressure ang mga bansa sa Asia Pacific sa pagpanig kung aling bansa kakampi na nagbubunga ng matinding geopolitical tension sa rehiyon.
Ayon sa Pangulo, sang-ayon siya sa ideya ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) member economies na hindi na dapat na bumalik sa mentalidad na Cold War formula kung saan hindi na kailangan na pumili kung sa Soviet Union o United States spheres magpapasakop.
Ang ganito aniyang sitwasyon ay maglalagay sa alanganin ang Pilipinas.
“However, I think we are determined as a group in ASEAN and in the Indo-Pacific, those around the Indo-Pacific, despite all of this conflict we are determined to stay away from that,” pahayag ng Pangulo.
“And simply because we are anchored in the idea that the future of the Indo-Pacific, the future of Asia-Pacific for example cannot be determined by any one but the countries of the Asia-Pacific and that removes us immediately from that idea that you must choose, we choose our friends, we choose our neighbors, that’s the choice that we will make,” dagdag ng Pangulo.
Binigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng mga bansa na itaguyod ang nationalism at protectionism bunga ng kasalukuyang krisis sa pandemya sa COVID-19 pati na ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Inihalimbawa pa ng Pangulo ang Pilipinas kung saan nang tumama ang pandemya ay hindi na umasa ang bansa sa importasyon para maka -survive lamang.
“We have to strengthen our own local economy to be able to withstand shocks such as the pandemic, such as Ukraine in the future and there is an element, there is a tendency of protectionism in that because we take care first of our own businesses, we take care first of our own industries, we take care first of our own economy,” pahayag ng Pangulo.
Pag-amin ng Pangulo, may mga balakid na tatahakin ang mga bansa bago tuluyang makaahon pero kakayanin ito para matano ang inaasam na globalization.
“I think the tendency after things have settled, after countries such as the Philippines have put in place the elements of policy, the elements of legislation that are necessary to be able to adjust to what is the new coming economy, once that is in place, I think that the globalization will start — we will start to return to the tendency of globalization. I think it is inevitable,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ