MAY humaharang daw diumano sa pagbabalik ni Coleen Garcia sa It`s Showtime. Gusto raw kasi muling magbalik hosting sa show ang misis ni Billy Crawford na kanyang iniwan dahil gusto nitong mag-concentrate sa acting.
Pero hindi nga nagklik ang acting career ni Coleen kaya gusto nitong magbalik hosting sa It`s Showtime. Dalawang pelikula lang ang nagawa niya na parehong hindi kumita sa takilya.
Kaya nagbalak bumalik muli sa show pero hindi na raw pumayag ang management ng ABS-CBN na pabalikin pa si Coleen para muling makasama nina Vice Ganda, Anne Curtis, at iba pa.
May valid reason naman daw ang management kaya hindi na nila muling pinabalik si Coleen. Pero how true na may humaharang daw diumano sa pagbabalik ng misis ni Billy sa show.
Sa kagustuhang magbalik ni Coleen sa It`s Showtime ay parang kinain na rin nito ang naging pahayag noon na kaya siya umalis sa show ay dahil kampante na siya sa pagsasama nila ni Billy bilang mag-asawa.
Aral dito ay huwag magmamalaki dahil hindi mo alam ang mangyayari pagkatapos mo iwanan ang showbiz.
RITA DANIELA DEDMA SA MGA NANGLALAIT SA KANYA
KUNG ang ibang young actress ay apektado kapag nilalait ang kanilang hitsura, iba naman ang drama ni Rita Daniela na kahit nilalait ay dedma lang dahil katuwiran nito ay wala naman daw perfect na tao.
Kahit dinadagsa at biktima ng body shaming si Rita nang ma-feature sa FHM ay wala itong pakialam. Lahat ng flabs, scars at kung ano-ano pa raw ng imperfection ay tanggap na tanggap ng young singer/actress.
Sa halip na patulan at magpaapekto ay dinadaan na lang ni Rita sa kanyang confidence at talent.
“Love me for what I am and not for what I should look,” say ni Rita.
Grabe ang ganda ng boses ni Rita, sayang nga lang at hindi siya nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang galing sa pagkanta.
Sana one day ay mabigyan siya ng pagkakataong maipakita ang husay sa pagkanta.
Comments are closed.