COLIFORM SA MANILA BAY MATAAS PA RIN

LLDA-MANILA BAY

NAGBABALA ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na bawal pa rin maligo sa Manila Bay kahit na tuloy-tuloy ang paglilinis dito.

Ang pahayag nito ng LLDA ay makaraang lumabas ang resulta ng ginawa nilang pagsusuri sa mga kinuhang water sample na kung saan ay nananatiling mataas ang antas ng fecal coliform bacteria sa Manila Bay.

At para maituring na ligtas ang bacteria level sa Manila Bay ay dapat na hindi ito hihigit sa 100 MPN per 100 milliliters na coliform level.

Dahil dito, binigyan naman ng Manila City Hall ng isang linggo ang mga establisimiyento para ayusin ang kanilang water treatment facilities na malapit sa Roxas Blvd.

Nauna nang sinabi ng LLDA na araw-arawin nila ang pagkuha ng water sample sa Manila Bay bilang bahagi ng patuloy na paglilinis sa kalidad ng tubig sa lawa ng Maynila.

Comments are closed.