HINDI ako bilib, Suki.
Sa panukala na kailangan ay nakapagtapos ng college degree ang tanging may karapatang manungkulan sa mataas na pwesto.
‘Tulad ng presidente, bise presidente, senador at kongresista.
Naitanong ko sa aking sarili:
Kailangan bang ganyan, talaga, ha?
Na tapos sa kolehiyo ang dapat lang na humawak ng mataas na poder sa gobyerno?
Eh, paano naman, Suki, ang mga katulad nina Boss Erap at Aydol Pacman?
At ang marami pang matatalino at marara-ngal na lahi ni Juan, ha?
Talaga bang ‘echa pwera’ na sila sa paghubog ng mga polisiya at batas ng republika?
Talaga bang hindi na sila kailangan na maging lider ng bansa, ha?
Kasi, Suki, ‘yang ideyang ‘wag pahawakin ng mataas na poder ang hindi nakapagtapos ng kolehiyo ay aprub na sa mga henyong nagbabalangkas ng mga pagbabago sa Konstitusyon.
Sila ang inatasan nina Boss Digong na magpanukala ng amendments sa Saligang Batas.
At hindi ko alam, Suki, kung ano ang nakita nilang hindi maganda sa panunungkulan ng mga katulad ni Boss Erap, Aydol Pacman at ng peborit kong dating senador at ‘action man’ Lito Lapid, este, ‘action star,’ pala.
oOo
Para sa akin, Suki, ay hindi ang college degree ang batayan ng pagpili ng tapat at mahusay na pre-sidente, bise presidente, senador at kongresista.
Puso, Suki, ang matibay na sukatan ng maga-ling at matapat na lingkod-bayan.
Mula kagawad ng barangay hanggang Kongreso at Palasyo ng Malakanyang.
Naniniwala kasi ako, Suki, na inihahalal ng ta-umbayan ang kanilang lider nang walang pagsasaalang-alang sa kanilang edukasyon.
Opkors, maliban sa naunang itinadhana ng Saligang Batas na kailangan ay “marunong magbasa at magsulat” ang inihahalal na opisyal.
Ngayon, kung ang isyu ay “mahina ang ulo” ng isang kandidato… Suki, ‘wag mabahala.
Kasi, ‘pag siya’y nahalal, simpol ang solusyon.
Mag-appoint lang siya ng mga henyong tauhan o gabinete na hybrid ang academic background.
Ang sabi noon ng lolo ko: You elect an upright leader, he will appoint brilliant minds. Pwede!
Comments are closed.