NANINIWALA ang isang political analyst na dapat mayroong college degree ang mga nais maging mambabatas.
Ito’y matapos maghain ng certificate of candidacy ang ilang personalidad na nag-aasam ng posisyon sa gobyerno.
Ayon kay Francisco Magno, professor ng Political Science sa De La Salle University, ang pagsasagawa ng batas kung saan tinutukoy ang solusyon sa mga problema ng bansa ay kinakailangan ng kritikal na kaisipan at pagsasanay.
Sinabi pa ni Magno, na ayon sa mga kilalang pilosopo na sina Plato at Aristotle, bago maging isang magaling na leader ang isang indibidwal ay kinakailangan nito ng training.
Sa panahon ngayon ay maaaring makuha ito sa pag-aaral at wala na umanong dahilan para mahadlangan pa ang pagkakaroon ng edukasyon ng isang tao lalo’t may mga programa ang pamahalaan para rito gaya ng free tuition act. DWIZ882
Comments are closed.