EWAN ba kung meron pang hindi nakakakilala ngayon sa sikat na Filipino entrepreneur na si Edgar Sia, ang founder at creator ng Mang Inasal fast food restaurant chain. Siya rin ang chairman gayon ng DoubleDragon Properties, joint business venture niya kay Tony Tan Caktiong.
Siya ang utak ng Mang Inasal, ang pinakauna sa unli-rice meals. Bilang taga-Iloilo City, nag-drop-out siya sa college noong 19 years old siya at nagtayo ng sariling laundry and photo-developing business.
Noong 2003, itinayo niya ang Mang Inasal sa Robinsons Mall Carpark sa Iloilo City. Sa loob ng pitong taon, mayroon na siyang 338 branches nationwide, bago ito binili ng Jollibee noong 2010.
00Noong 2009, itinayo naman ni Sia ang Injap Land Corporation na ngayon ay DoubleDragon Properties Corporation na. developer ito ng CityMall chain of malls, sa edad na 26. Maituturing na si Sia ang pinakabatang bilyunaryo sa Pilipinas, nang bilhin ng Jollibee Food Corporatio ang 70 percent stake ng barbecue fast-food chain operator Mang
Inasal noong 2010. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 500 branches sa buong bansa.
Dahil 30 percent na lamang ang ownership ni Sia sa Mang inasal, natutukan naman niya ng husto ang kumpanyang
DoubleDragon Properties Corp. Namamayagpag din ito ngayon.
Siguro naman, naniniwala na kayong hindi lamang mataas na pinag-aralan sa kolehiyo ang makakapagpayaman sa isang tao. JVN