COLLEGE STUDE, MERCHANDISER HULI SA DROGA | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
droga

COLLEGE STUDE, MERCHANDISER HULI SA DROGA

MAKATI CITY – ISANG business administration student at merchandiser and kapwa nahuli sa isang buy bust operation na isinagawa noong Biyernes ng hapon sa Makati City at nakuhanan ang mga ito ng mahigit sa  100 pirasong plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 million at mga baril at bala.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code ang mga suspek na nakilalang sina John Revidad, 22, estu­dyante sa City University of Pasay at  Melvin Bulado, 21, merchandiser sa isang shopping mall.

Ang kasabwat ng mga suspek na si Edgardo Sanchez Fontanilla ay pinaghahanap na ngayon ng mga pulis matapos na ito ay makatakas.

Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Police Colonel Rogelio Simon, dakong 4:00 ng hapon nang madakip nila ang mga suspek sa panulukan ng M. Reyes at Belarmino Sts., Brgy. Bangkal ng naturang lungsod.

Ayon kay Simon, matapos  na sila ay makatanggap ng impormasyon sa ilegal na gawain ng mga suspek ay agad na nagsagawa sila ng isang buy bust operation na nagresulta nang pagkakaaresto sa dalawang suspek nakumpiska mula sa mga ito ang mahigit sa 116 pirasong plastic sachets na naglalaman  ng hinihinalang shabu na may halagang P1.5 million, 1 plastic sachet na naglalaman naman  ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,000, 1 glass tube at P5,000 marked money.

Bukod dito ay narekober din mula sa mga suspek ang isang kalibre .40 baril at mga bala na ang katwiran ng business administration student na si Revidad ay ibinenta lamang sa kanya ito ng halagang P5,000. MARIVIC FERNANDEZ

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS