COLLEGIATE CONFERENCE BUBUHAYIN NG PVL

PVL

BAGAMA’T naging matagumpay ang kanilang inaugural professional conference ay mananatili ang collegiate tournaments ng Premier Volleyball League (PVL).

Tiniyak ni PVL president Ricky Palou ang pagdaraos ng Collegiate Conference sa sandaling payagan ito ng pamahalaan.

“We’d really like to bring back our collegiate tournaments, which is where we started, you know,” wika ni Palou.

“We started this whole volleyball program with the tournaments that we conducted for the different varsity teams at the college level.”

Bago tinawag na PVL noong 2017, ang V-League ay nagsimula bilang isang inter-collegiate volleyball tournament na tinatampukan ng mga koponan mula sa major collegiate leagues sa bansa, kabilang ang UAAP at NCAA.

Gayunman, ang PVL ay hindi nakapagdaos ng Collegiate Conference sa nakalipas na dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic. Ang pinakahuling collegiate tournament nito ay noong 2019, kung saan itinanghal na kampeon ang Adamson Lady Falcons.

Sa kasalukuyan ay ipinagbabawal pa rin ang sporting competitions sa collegiate level dahil sa pandemya.

“As soon as the government entities allow us to conduct games for amateur teams, we will bring back the collegiate conference of the V-League. That’s really on the pipeline for us,” aniya.

One thought on “COLLEGIATE CONFERENCE BUBUHAYIN NG PVL”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *