COLOR CODING SUSPENDIDO

SUSPENDIDO ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa araw ng Lunes, Agosto 29.

Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay para bigyang daan ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani na isang regular holiday.

Ibig sabihin ang mga sasakyan na nagtatapos sa 1 at 2 ang plaka na sakop ng number coding tuwing Lunes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region (NCR).

Nabatid na nagsisimula ang naturang coding scheme tuwing alas-syete hanggang alas-dies ng umaga at alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour.

Ibinalik ang number coding nang maging normal na ang galawan ng publiko at maraming sasakyan na ang lumalabas sa gitna ng pandemya.