COLUMBIAN MAY BAGO NANG COACH

KINUHA ng Columbian Dyip si Johnedel Cardel bilang kapalit ng nag-resign na head coach nitong si Ricky Dandan.

Batay sa report, nakipagpulong si Cardel kay team representative Bobby Rosales noong Huwebes para tanggapin ang appointment.

“It’s a tough job but I’m ready to take on the challenge,” wika ni Cardel, isa sa mga naging deputy ni Dandan.

Si Dandan ay nagbitiw sa Columbian upang magpokus sa kanyang trabaho bilang isa sa mga assistant ni Bo Perasol sa UP Fighting Maroons, na naghahanda para sa dara­ting na UAAP men’s basketball season.

Ginabayan ni Dandan ang Dyip sa dalawang conferences, kapalit ni Chris Gavina, na nagbitiw rin sa expansion franchise.

Matapos ang 1-10 stint sa All-Filipino Cup, ang Columbian ay nagpakita ng malaking improvement sa Commissioner’s Cup kung saan nagtapos sila na may 4-7 kartada, subalit hindi ito sapat para umusad sa quarterfinals.

“We just fell short actually in our last two games (both losses) against Globalport and Barangay Ginebra, but we were there,” wika ni Cardel.

“So may kaunti lang akong idadagdag, but basically we’ll run the same system by coach Ricky,” dagdag pa niya.

Si Cardel ay na­gsilbi na ring interim coach para sa GlobalPort, dalawang taon na ang nakalilipas.

Comments are closed.