COMELEC-BOL PLEBISCITE, ITINAKDA

Spokesperson James Jimenez-2

MAGDARAOS na ang Commission on Elections (Comelec) ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa susunod na taon.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na isasagawa ang plebisito sa Enero 21, 2019, alinsunod sa Republic Act 11054.

Ayon kay Jimenez, ang special voter registration para sa nasabing plebisito ay gagawin sa Bangsamoro “core territories” mula Set­yembre 11 hanggang 13, 2018.

Magsisimula namang umiral ang plebiscite period mula sa Disyembre 7, 2018 hanggang sa Pebrero 5, 2019, habang ang campaign period ay mula Disyembre 7, 2018 hanggang Enero 19, 2019.

“Listen up. The COMELEC, per RA11054, has set the date for the #Bangsamoro Organic Law pleb on 21Jan2019.  Plebiscite period: 7Dec2018 to 5Feb2019; Campaign period: 7Dec2018 to 19Jan2019. Special #VoterReg2018 to held in Bangsamoro Core Territories: 11-13 Sept 2018,” anunsiyo ni Jimenez, sa kanyang Twitter account.

Matatandaang layunin ng BOL na tuldukan na ang deka-dekadang sigalot sa Mindanao, sa pamamagitan nang pag­likha ng political entity na mayroong mas malawak na awtonomiya kumpara sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.