COMELEC BUKAS NGAYON PARA SA GUNBAN APPLICATION

gun ban

MAGSISIMULA  na ngayong araw ng  Sabado, Disyembre 1, ang unang araw ng paghahain ng aplikasyon para sa exemption sa election gunban sa susunod na taon.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesman Director James Jimenez, bukas ang lahat ng tanggapan ng Comelec ngayon mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00  ng hapon para tumanggap ng mga aplikasyon kahit na Sabado.

Tiniyak din ni Jimenez na ma­tinding bubusisiin at pag-aaralan ng Comelec sa pangunguna ni Commissioner Al Pareño ang lahat ng mga ihahaing application para sa gun ban exemption.

Kasabay nito, inilatag na rin ng Comelec ang magiging sakop ng ipatutupad na gun ban mula Enero 13 hanggang Hunyo 12 ng susunod na taon bilang bahagi ng pagtitiyak sa seguridad sa 2019 midterm elections.

Batay sa Comelec en banc Resolution No. 10446, pinagbabawalan ang lahat ng sibilyan na magdala ng baril sa labas ng kanilang mga tahanan kahit pa may permit to carry sa panahon ng eleksiyon.

Bawal din ang pagdadala ng anumang armas kahit nasa loob lamang ng sasakyan at papayagan lamang ito kung may permiso o makakukuha ng exemption mula sa Comelec.    KRISTA DE DIOS-DWIZ882

Comments are closed.