COMELEC CHECKPOINT PINAIGTING SA RIZAL

MADALING araw ng Enero 12, agad na pinangunahan ni Police Col. Felipe Maraggun, Provincial Director Rizal PPO ang pagsasagawa ng COMELEC checkpoint sa mga motorista para matiyak ang kaligtasan ng bawat mamayan sa probinsya ng Rizal  bilang paghahanda sa Midterm National and Local Elections 2025.

Gayundin, kasabay ng aktibidad ay ang mahigpit na pagpapatupad sa Election Gun Ban na pinaiiral upang maiwasan ang anumang krimen sa panahon ng halalan.

Nagpapasalamat naman si Maraggun sa pakikipagtulungan ng mga motorista pati narin sa publiko.

EUNICE CELARIO