COMELEC ‘DI NA MULING MAGPI-PRINT NG BALOTA

NILINAW ng Commission on Elections na hindi na muling mag-iimprenta ng panibagong balota sakaling magkaroon ng mga diskwalipikadong kandidato sa nakatakdang halalan sa Mayo.

Ito ang inihayag ni Comelec Director Elaiza David sa kabila ng mga nakabinbing disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

Sa ngayon  ay tuloy-tuloy ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin para sa halalan sa Mayo 9.

Samantala, kaugnay naman sa tanong kung mayroon ng pasya ang Comelec first division sa naturang kaso, aminado si David na naghihintay pa sila kung kailan ito ilalabas. DWIZ882