COMELEC DOBLE-KAYOD SA OVERSEAS ABSENTEE VOTING

COMELEC REGISTRATION

DOBLE-KAYOD na ang Commission on Elections (Comelec) sa isinasagawa nilang paghahanda sa magaganap na Overseas Absentee Voting sa Abril 13  kaugnay ng National and Local Elections na idaraos sa Mayo 13.

Ilang opisyal na ng Comelec ang bumiyahe patu­ngong ibayong dagat para personal na pangasiwaan ang naturang halalan.

Mauuna ng isang buwan ang OAV kumpara sa aktuwal na eleksiyon sa Mayo 13.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ang iboboto lang ng overseas absentee voters ay mga senatoriable at partylist groups.

Umaasa naman si Jimenez na maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang makikilahok sa naturang halalan.

Target nila na makaboto ang 16% ng mga rehistradong overseas absentee voters.

Muli rin namang pinaalalahanan ng Comelec ang mga OFW na maging matalino sa pagpili ng kanilang ibobotong kandidato.    ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.