COMELEC HANDA NA SA OVERSEAS ABSENTEE VOTING

NAKAHANDA  na ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsisimula ng Overseas Absentee Voting para sa 2022 National and Local elections sa Abril 10.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, 100% handa ang kanilang ahensiya maging ang lahat ng embahada at konsulado ng Pilipinas.

Sinabi ni Garcia na naglagay ng dalawang tauhan ang kanilang ahensiya upang magbantay at obserbahan ang training ng embassy officials at mga staff.

Bukod pa rito, 80% na rin ng mga poll paraphernalia at supplies na gagamitin para sa eleksiyon ay nai-deploy na sa mga embahada at konsulado ng bansa.

Tatagal ang botohan hanggang Mayo 9 kung saan, mayroon 1.6 million registered overseas voters para sa 2022 elections.DWIZ882