MAGPAPASAKLOLO na ang Commission on Elections sa Facebook upang matukoy ang uploader ng nag-viral na video, kung saan makikita ang pre-shading ng mga balota.
Patuloy ang imbestigasyon ng Comelec sa nasabing insidente.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sa ngayon ay wala pang sapat na ebidensiya upang matukoy kung saan ang eksaktong lokasyon ng video at kung kailan ito nangyari.
Sa naturang video, makikita ang isang babae na tila naglalagay ng shade sa mga balota.
Sinasabing nangyari ang pre-shading ng mga balota, sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Samantala, sinabi naman ni Comelec Education and Information Division Director Frances Arabe na tila hindi pre-shading ang ginagawa ng babae kundi pinipirmahan lamang ang mga balota nang maramihan.
Gayunman, hinikayat pa rin ni Jimenez ang uploader ng video na magtungo sa Comelec, at maghain ng reklamo. DWIZ882
Comments are closed.