COMELEC HIRAP SA PAGSALA SA MGA KANDIDATO

comelec

MAAANTALA  ang pagpapalabas ng Commission on Elections (Comelec)  ng pinal na listahan ng mga kandidato lalo na sa senatorial aspirants.

Kinumpirma ito ni Comelec Spokesman James Jimenez  dahil nahihirapan sila sa pagsala sa mga kandidato sa pagkasenador.

Ilan sa mga tumatakbo sa pagkasenador ay may mga nakabimbing  disqualification cases na hindi pa nareresolba ng Comelec.

Sinabi ni Jimenez na sa ngayon  ay 140 pa ang kabuuang bilang ng senatorial aspirants.

Masyado umanong malaki ang nasabing bilang lalo na at 12  lang naman ang kailangang manalo sa halalan.

Nilinaw ng tagapagsalita na  hindi naman makaaapekto sa kanilang timeline ang pagkakaantala ng pagpapalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato sa darating na Mayo.

Comments are closed.