ANG mga kandidato para sa mga pambansang posisyon ay hindi kinakailangang dumalo sa mga debate na isasagawa ng Commission on Elections (Comelec), sinabi ng tagapagsalita nitong si James Jimenez.
“Under the law, participation in debates is not mandatory. Wala tayong choice,” pahayag ni Jimenez sa ABS-CBN News Channel.
Gayom pa man, sinabi ni Jimenez, na base sa kanyang karanasan, dumadalo ang mga kandidato sa mga debateng inoorganisa ng Comelec upang samantalahin ang free airtime.
“However, historically speaking, when the debate has been organized by the Comelec, or if the Comelec has taken a lead role in organizing the debates, the candidates do come.
“They don’t have to, but they do come, because it is a massive airtime, and they do get massive coverage that they could not normally get otherwise without paying, or without running afoul of the time limits for broadcast advertising,” pahayag nito.
Nauna nang sinabi ni Jimenez na ang poll body ay magsasagawa ng “hybrid” primary debate para sa mga kandidato ngayong Enero, kung saan ang mga kandidato ay personal na dadalo ngunit virtual na mapapanood bunga ng pandemya ng COVID-19.
Magkakaroon ng tatlong presidential debate at tatlong vice-presidential debate, ayon sa Comelec.