BAWAL na ang pagpapalabas ng dokumentaryo na tumatalakay sa buhay ng isang kandidato.
Ito lamang ang isa sa mga kasama sa ipinalabas na alituntunin ng Commission on Elections (Comelec) para sa paggamit ng so-cial media ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya.
Sa Comelec Reso No. 10488 o Guidelines for Social Media campaign, inilatag ng Comelec ang mga ali-tuntunin na dapat sundin ng mga kandidatong gumagamit ng social media sa kanilang kampanya.
Sa pahayag ng Comelec, ang social media ay itiuturing na ngayong bahagi ng mass media at ang mga post dito ay bahagi na ng lawful election propaganda.
Kasama sa guidelines na bawal na ang pagpapakita o pagpapalabas sa anumang social media network ng pelikula, documentary o kahalintulad na uri na tumatalakay sa buhay o biography ng isang kandida-to.
Habang ang mga ahensya na may online political advertisements ay kailangang magsumite ng reports at kopya ng kanilang ad-vertising contracts gaya ng isinusumite ng mass media entities.
Kinakailangang irehistro ng kandidato at partido sa Education and Information Department ng Comelec ang website name at web address ng kanilang official blog o social media page na ginagamit.
Sa kasalukuyan ay gamit na gamit ng mga kandidato para sa 2019 elections ang social media tulad ng Facebook, Instagram at Twitter sa pagpapakilala sa publiko. VICKY CERVALES
Comments are closed.