COMELEC NAGPAALALA SA MGA BOTANTE

NAGPAALALA  sa mga botante ang Commission on elections (Comelec) para sa nalalapit na May national and local elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kailangang unahin ng mga botante ang pag-shade ng oval bago ang mismong pangalan ng kandidato at hindi pagkatapos ng pangalan ng kandidato.

Sinabi ni Jimenez na hindi dapat maniwala ang publiko sa kumakalat na pekeng impormasyon na ang oval ay tatalaan lamang pagkatapos ng pangalan ng kandidato.

Matatandaang nag-isyu ang Comelec ng step-by-step guide noong nakaraang buwan upang malaman ng mga botante kung paano bumoto sa May 2022 polls.

Sa ngayon umaabot na sa mahigit 65 milyon ang  registered voters para sa darating na eleksiyon. DWIZ882