COMELEC PINAGTIBAY ANG PAGTAKBO NI QUIBOLOY

Pinagtibay ng Commission on Elections ang kanilang desisyon na tumakbo sa pagka-senador ang nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa resolution ng Comelec en banc, ay kanilang ibinasura ang motion na inihain ni senatorial aspirant Sonny Matula.

Iginiit ng Comelec na kulang ang ebidensya na iprinisinta ni Matula para patunayan na nuisance candidate si Quiboloy.

Magugunitang naghain ng mosyon si Matula at ipinapadeklara bilang “nuissance candidate” si Quiboloy.

RF