COMELEC PROBE SA VIRAL VIDEO NG PRE-SHADED BALLOTS

PRE-SHADED BALLOTS

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na iimbestigahan nila ang isang viral video kung saan makikita ang mga umano’y pre-shaded ballots sa Lanao del Sur.

Sa naturang video ay makikita ang mga ‘di kilalang indibidwal habang nagsi-shade ng mga balota sa Lanao del Sur.

Nabatid na naging viral ang video, ngunit ang orihinal na post nito ay binura na online ng netizen na nagpaskil nito.

Ayon naman kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi pa nila nabeberipika ang insidente.

Aniya, kulang ang mga detalyeng nakalagay sa video kaya’t humihingi ng tulong sa mga netizen hinggil dito.

“I’m asking for help investigating both this video and the content it shows. #VoterEd #NLE2019,” tweet ni Jimenez sa kanyang official Twitter account nitong Huwebes.

“Notice how little information we have about the video & what it shows. We don’t know who upload-ed it; we don’t know for certain when it was uploaded; no idea who the persons are; we don’t know where the video was shot, etc. These are what we need help with. #VoterEd #NLE2019,” aniya pa.    ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.