NAGSIMULA nang tumanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng aplikasyon para sa exemption sa ipatutupad na gun ban sa Enero.
Maaring ipasa sa Committee on the Ban o Firearms and Security Personnel sa main office ng Comelec ang certificate of authority hanggang sa Mayo 29, 2019.
Magsisimula ang pagpapairal ng gun ban sa Enero 13 hanggang Hunyo 12, 2019.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10446, may ilang kuwalipikado na maaaring magkaroon ng exemption dito.
Comments are closed.