INIHAYAG ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na tutol siya sa paglalagay ng COVID-19 vaccination sites sa polling precincts.
Aniya, hindi ito ang tamang lugar upang magsagawa ng baksinasiyon at maaaring maging sanhi pa ng kalituhan sa mga botante sa araw ng halalan.
Una nang sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana na magiging madali para sa mga botante kung bibigyan sila ng oportunidad na mabakunahan ng COVID-19 vaccines o booster shots malapit sa voting precincts upang mapalawig ang vaccine coverage sa bansa.
Samantala, nilinaw ni Garcia na hindi siya tutol sa bakuna ngunit ang Mayo 9 ay dapat na para lamang sa eleksiyon at kontrolado ng Comelec ang polling centers kaya’t anuman ang mangyari ay sila ang mananagot.
PAGBAKUNA
SA 5-11 ANYOS
GAGAWIN SA SCHOOLS
Gagawing available sa mga eskuwelahan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa edad 5 hanggang 11.
Kasunod ito ng muling pagbabalik ng face-to-face classes kung saan mahigit kalahati na ng mga pampublikong paaralan ang nagbalik na sa normal na operasyon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga naturang COVID-19 vaccines ay maaaring iturok sa pediatric population sa pamamagitan ng mga infirmary para mabilis mai-deploy sa mga paaralan bilang proteksiyon laban sa COVID-19. DWIZ882