UMABOT na sa 32.37% ang turnout ng overseas voting alas-10 ng umaga ng Lunes.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Marlon Casquejo, posible pa itong tumaas sa araw ng eleksyon.
Dagdag niya na umaasa ang ahensiya na aabot ang 40% turnout ng overseas voting.
Batay sa datos ng Comelec, nasa 1,697,215 ang mga rehistradong botanteng Pilipino sa ibang bansa.
Nabatid na noong 2016 presidential elections, nasa 31.66% lamang ang naitalang turnout sa overseas voting. DWIZ882