“Leave. Dogs. Alone.”
Apela ito ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa ilang kandidato sa darating na 2019 midterm elections.
Nag-viral sa social media ang larawan ng isang aso na dinikitan ng campaign sticker.
Sa Twitter, sinabi ni Jimenez na huwag idamay ang mga aso sa mga gimik ngayong campaign period.
Umani ito ng mga negatibong komento mula sa mga netizen at sinabing isa itong porma ng animal cru-elty. ANGELA BAIÑO
Comments are closed.